Hindi Lahat Ng Infected ng (2019 Novel Coronavirus) Ay Namamatay!



Ang 2019-NCOV (2019 Novel Coronavirus) ay nagmula sa pamilya ng mga Coronaviruses.

Ang Coronavirus ay maaring makuha sa mga Tao at Hayup, at ang nagiging sanhi ng mga sakit sa Baga at paghinga (Respiratory illnesses) tulad ng common na Ubo. Kadalasan ang mga tinatamaan ng Coronavirus ay madaling gumagaling at di na kailangan pa maospital ngunit kung mahina ang immune system ng isang tao maari itong maging matinding sakit kagaya ng Viral Pneumonia na nagiging sanhi ng pagkakaospital or kamatayan ng tinamaan nito.




Ang 2019-NCOV (2019 Novel Coronavirus) ay isang bagong strain ng Coronavirus, Tinukoy na nagmula sa isang malaking Seafoods at Animal Market sa Wuhan City, Hubei Province, China.  Ang Coronavirus na ito ay wala pang pangalan dahil hindi pa natutukoy ang Hayop na pinagmulan nito. Kaya tinawag itong Novel na ang ibig sabihin ang "Bago or New".




Ang matititinding Coronavirus na tumama sa mga tao ay kadalasan nangaling sa mga Hayup. Tulad ng SARS-COV (Severe Acute Respiratory Syndrome) na nagmula sa Civits Cat at MERS-COV (Middle East Respiratory Syndrome)  na nagmula sa mga Camel,  at ngayon ang 2019-NCOV (2019 Novel Coronavirus) na hindi pa tukoy ang pinagmulan.

Ang 2019 NCOV (2019 Novel Coronavirus)  ay maaring makahawa ng Tao sa Tao sa pamamagitan ng pag Ubo or  Pagbahing ng isang taong infected. Ang mga droplets or laway na nangaling sa mga taong infected ng 2019 NCOV (2019 Novel Coronavrius) ay maaring malangahap at pumasok sa baga ng isang taong may lapit na (6 feet), maari din itong pumasok sa Bibig, Mata or maging sa Sugat.




Ang mga taong nahawa ng 2019 NCOV (2019 Novel Coronavirus) ay maaring hindi agad makitaan ng syntomas ng sakit. Ito ay tinatawag na Asymtomatic, ibig sabihin infected na ang isang tao ngunit wala itong makikitang anomang sintomas ng sakit tulad ng Ubo, Pananakit ng Lalamunan, Sakit ng Ulo or Lagnat. Ang taong infected na Asymtomatic or walang syntomas ay nagdadaan sa tinatawag na Incubation Period. Ang Incubation Period ay maaring tumagal mula 0-14 na araw (days), Malaki ang magiging partisipasyon ng ating Immune System sa 14 days incubation period na ito sapagakat ito ang magtutukoy kung gagaling ba ang isang taong infected ng 2019 NCOV or magiging Severe Case ng Viral Pneumonia ba ito na magiging sanhi ng pagkakaospital or kamatayan ng isang taong infected.

Dapat maging malinaw sa lahat na hindi lahat ng nagiging infected ng 2019 NCOV (2019 Novel Coronavirus) ay namamatay. Ayon sa datus karamihan ng mga taong infected ng 2019 NCOV (2019 Novel Coronavirus) na nagkakaroon ng Matinding kaso ng Viral Pneumonia ay ang mga taong may edad na 30 anyos at pataas, na may iniinda nang sakit tulad ng diabetes, Autoimmune diseases, HIV, AIDS, atbp. na nakakapagpahina ng ating  natural na panlaban sa mga sakit (Immune System). Ang mga mas nakababata  na may maliliksi at malalakas na pangangatawan na infected ay gumgaling ng walang kailangan ospital. 


Question: Maari ba silang makahawa ng iba?
Answer: Oo, dahil sila ay infected maari silang makahawa. At hindi ibig sabihin na gumaling sila sa sakit na 2019 NCOV ay gagaling ka rin. Dedepende yan sa lakas ng iyong pangangatawan at immune system.





Wala pang gamot ang 2019-NCOV (2019 Novel Coronavirus). Sa ngaun ang Tangi nating magagawa ang ang panatilihing malinis ang ating kapaligiran, ang ating katawan, palakasin ang ating Immune System sa pamamagitan ng pag inom ng mga Vitamins.

Sana po ay nakapagbigay ako ng kahit kaunting kalinawan kung ano ang 2019 NCOV (2019 Novel Coronavirus).

Kung mayroong mga katanungan or suggestion huwag po kalimutan mag iwan ng  comments!

Comments

Popular Posts